Sa nalalapit na pagpili ng kapalit ni Pope Francis, ang mga kardinal na may edad higit 80 ay hindi maaaring lumahok sa conclave, kung saan 134 sa kanila na wala pang 80 ay lalahok sa conclave ngayong 2025, kasama ang 15 na 79 taong gulang at malapit nang mag-80.
Si Cardinal Antonio Cañizares mula sa Spain ay umatras dahil sa kalusugan, kaya naging 134 mula sa orihinal na 135 ang mga eligible na botante.
Ang limitasyon sa edad ng mga elektor ay ipinakilala ni Pope Paul VI noong 1970s at kinumpirma ni Pope John Paul II sa apostolic constitution na “Universi Dominici Gregis” noong 1996.
Ang limang pinakamatandang kardinal na may karapatang bumoto ngayong conclave ay mula sa Spain, Guinea, Poland, Pakistan at England.
Si Cardinal Carlos Osoro Sierra ng Espanya ay kilala sa pastoral approach at adbokasiya para sa edukasyon pang-Katoliko.
Si Cardinal Robert Sarah ng Guinea ay tanyag sa traditional liturgy at mga aklat na panrelihiyon, habang si Cardinal Joseph Coutts ng Pakistan ay kilala sa interfaith dialogue at pagtutulungan sa relihiyon.
Si Cardinal Timothy Radcliffe ng England ay isang retreat leader at kilala sa pangunguna sa Dominican order, na tumulong sa Synod on Synodality sa pamamagitan ng ispiritwal na meditations.