-- Advertisements --

Patay ang limang Palestinians habang dalawa ang arestado sa operasyon ng Israel laban sa mga Hamas militants sa West Bank.

Ayon sa Israel Defense Force na kasama nila sa operations ang mga Israel Security Agency, Yaman counterterrorism unit, Shin Bet para arestuhin ang mga Hamas terrorist na nagpa-plano ng atake.

Kinumpirma ng Palestinian Ministry of Health ang pagkamatay ng mga Palestinians kung saan kabilang ang nasawi ang 16-anyos na binatilyo.

Kinondina ni Palestinian Authority President Mahmoud Abbas ang ginawang ito ng Israel kung saan tinawag na ito ay isang krimen.