-- Advertisements --
wushu sea games gold

PASAY CITY – Lima sa pitong Pinoy wushu athlete ang nagwagi ng gintong medalya sa Day 2 sa nagpapatuloy na 2019 Southeast Asian Games (SEA Games) sa World Trade Center.

Kabilang sa mga nagwagi ng gold medals ay sina Divine Masado sa 48kgs women’s wushu sanda, Jessie Aligaga ng 48 kgs men’s sanda, Arnel Mandal ng 52 kgs men’s sanda, Francis Solis 56 kgs men’s sanda at Clemente Pabatang sa 65 kgs men’s sanda.

Isa sa umani ng atensiyon ay ang diskarte ni Mandal nang magpakita ito ng “master class” laban sa karibal na Indonesian na si Pandu Laksamana.

Dinomina ng Pinoy ang opensa gamit ang mga takedowns at strikes.

Liban sa galing at husay, naging susi rin sa tagumpay ng mga wushu athletes ang walang sawang suporta ng kanilang mga fans na sumubaybay sa kanilang mga laban.

Sa kabilang dako si Gideon Padua ay nagkasya naman sa silver medal matapos na masilat ni Truong Giang Bui sa men’s 60-kg division final. (Story by Bombo Donnie Degala)