Iniulat ng Department of Health (DOH) na lima pang mga karagdagang health workers ang pumanaw dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), dahilan kaya umakyat pa ang death toll sa 83.
Sa datos na inilabas ng DOH, lumobo pa sa 14,428 ang bilang ng mga health workers na nagpositibo sa COVID-19 makaraang madagdagan ng 171.
Ang bilang naman ng mga recoveries ay sumampa na sa 14,012 matapos gumaling mula sa deadly virus ang 154 pang mga medical personnel.
Habang ang 333 iba pang mga medical workers ay mga aktibong kaso na patuloy na sumasailalim sa treatment o quarantine.
Pinakamarami pa ring kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga nurse na may 5,152; sunod ang mga doktor, 2,331; nursing assistants na may 1,091; medical technologists na may 735, at midwives na may 501 cases.
Nasa mahigit 600 namang mga non-medical personnel tulad ng utility workers, security guards, at administrative staff ay kasama rin sa naturang tally.