-- Advertisements --
Lima pang overseas Filipino workers (OFW) ang naitala ngayon na casualties dahil sa COVID-19 pandemic.
Dahil dito umakyat pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na namatay sa kabuuang 798.
Ayon sa kumpirmasyon ng tanggapan ni DFA Sec. Teddy Locsin, ang panibagong mga nasawi ay nagmula sa mga bansa sa Asya Pasipiko at sa Middle East.
Sa ngayon nasa 10,840 na ang kumpirmadong mga Pinoy sa ibang bansa nahawa sa coronavirus.
Pero ayon sa DFA, marami na ring mga kababayan natin sa labas ng bansa ang nakarekober na umaabot na sa 6,903.
Habang mahigit na lamang sa 3,000 ang mga nagpapagamot pa.