-- Advertisements --
image 438

Nakatakda nang ipa-deport ang lima pang mga puganteng banyaga na naaresto ng Bureau of Immigration dahil sa kanilang mga kinasasangkutang krimen sa kanilang mga bansa.

Sa isang statement, sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang mga banyaga ay kinabibilangan ng apat na Indians at isang Taiwanese.

Naaresto ang mga ito sa isinagawang operasyon ng mga operabita ng fugitive search unit (FSU) ng BI.

Ipapa-deport daw ang mga ito dahil sa pagiging undesirable aliens at pagiging undocumented dahil kinansela na ang kanilang mga pasaporte ng mga bansang kanilang pinanggalinga.

Kasunod nito ay ilalagay na rin sa blacklist ang mga banyaga at pagbabawalang muling makapasok sa bansa.

Ang mga naarestong Indian nationals ay kinabibilagan nina Manpreet Singh, 23; Amritpal Singh, 24 at Arshdeep Singh, 26.

Sinabi naman ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy na ang tatlong Indian fugitives ay subject ng warrants of arrest dahil sa kinahaharap nilang kasong Murder at paglabag sa Explosive Substances Act 2001 maging ang Unlawful Activities Prevention Act 1967 of India.

Sa isinagawang operasyon naaresto rin si Amrikh Singh, 33 dahil sa kabiguang magprisinta ng ano mang travel document at hinihinalang iligal na nakapasok sa bansa.

Dagdag ni Sy, ang mga Indians ay iniimbestigahan ng mga otoridad sa New Delhi dahil sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga extremist group na kilalang Khalistan Tiger Force.

Samantala, naaresto naman sa Boracay, Aklan ang isang Taiwanese na si Lee He Zhan, 26 na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal drugs trading.

Sa mga lumabas na report naisyuhan ng arrest warrant si Lee ng district prosecutor’s office sa Diaotou, Taiwan at ito ay humaharap sa kasong paglabag sa narcotics hazard prevention act sa kanilang bansa.

Sa ngayon ay nailipat na ang limang banyaga sa BI facility sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang kanilang deportation.