-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – (update) Makakatanggap ng ayudang pinansyal mula sa lokal na pamahalaan ng Iligan ang Pamilya Barolan, matapos ang malagim na pagkasawi ng kanilang limang anak, sa nangyaring landslide sa Purok 2, Sitio Sawsaw, Barangay Mandulog, Iligan City, Sabado ng madaling araw.

Kinumpirma ni Joe Pantoja, Information Officer ng Iligan City na umabot sa dalawang araw ang matinding pag-ulan sa kanilang lugar kung kaya’t bumigay ang lupa kung saan nakatirik ang bahay ng mga biktima.

Batay sa data ng Local Risk Reduction and Management Council, kabilan sa nasawi ay isang pitong buwan; dawalang taong gulang; 4, 7 at 8 anyos, habang kritikal naman ang kanilang ina na si Shiela Mae at nasa mabuting kalagayan na ang kanilang ama na si Jessie.

Hindi pa matanggap ng padre de pamilya ang nangyaring trahedya sa kanyang pamilya.