-- Advertisements --
BACOLOD CITY – Patay ang limang katao habang isa ang sugatan ng mahulog ang sinasakyan nilang truck na may kargang mga baboy sa isang bangin sa Zamboanguita, Negros Oriental.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Bacolod, aabot sa 100 na baboy at anim na katao ang sakay ng double decker truck ng mahulog ito sa isang bangin sa Sitio Salngan, Brgy. Mayabon, Zamboanguita, pasado alas-12:00 tanghali nitong Biyernes.
Kinilala ang mga namatay na sina Nenita Olivar, Tito Ramirez, Edgardo Ramirez, Boboy Maglukot at Rusty James Rafael Suonaray na tinutukoy pa ngayon ang kanilang mga edad at eksaktong address.
Habang sugatan naman si Berto Olivar, 47-anyos.
Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ang rason ng pagkahulog ng truck sa bangin.