-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang limang katao na kinabilangan ng dalawang drivers at tatlong pasahero nang magkabanggaan ang passenger bus ng Rural Transit Mindanao Incorporated (RTMI) at fish car sa kahabaan ng Barangay Burnay,Gitagum,Misamis Oriental kaninang madaling araw.

Kinilala ang bus driver na si Rovel Fantonial Pagasian,38 anyos na taga-Barangay Tambakan,Iligan City at drayber ng fish car na si Silvino Flores Jr,39 anyos na nagmula naman sa Zone 4,Kalye Ayala,Zamboanga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Maj Dennis Cerilla,commander ng Gitagum Police Station na nagmula sa terminal ng Cagayan de Oro ang bus sakay ang higit 10 pasahero patungo sa Pagadian City nang biglang binangga ng fish car na papasok naman sa landing area nitong syudad.

Sinabi nito na posibleng nakatulog fish car driver kaya lumihis ng lane at sinalubong ang bus dahilan sa aksidente.

Dead on the spot ang kapwa drivers at ang tatlo rin na pasahero habang dinala sa magkaiban na pagamutan ang mga sugatan.

Sa ngayon,isinagawa pa ng Gitagum Police Station ang imbestigasyon habang nakaburol naman sa isang punerarya ang mga nasawing mga biktima.