-- Advertisements --
TEXAS
HO/AFP/Getty Images

Nag-iwan ng limang kataong patay ang panibagong insidente ng pamamaril sa mga siyudad ng Midland at Odessa sa West Texas.

Sa report ng Midland police, patay din ang mismong shooter partikular sa multiplex cinema complex.

Maliban sa mga namatay, 21 katao ang nasugatan kabilang ang ilang pulis.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad at nasa proseso ng pagtukoy kung ilan ang suspek sa pamamaril.

Batay naman sa pahayag ng Odessa police, dalawang suspek ang inisyal na natukoy na lulan ng dalawang magkahiwalay na sasakyan na namaril ng walang habas habang nagmamaneho.

Ayon kay Midland Mayor Jerry Morales, binaril patay ang suspek sa parking lot ng isang sinehan.

“We’re hoping it’s just one shooter and we have contained him,” ani Mayor Morales.

“At this time there are multiple gunshot victims. The suspect just hijacked a U.S. Mail carrier truck,” saad ng police department.

Sinabi ng Midland police, minamaneho ng isang suspek ang isang U.S. Post Office van, habang ang isa pang suspek ay gamit ang gold and white Toyota truck. (Reuters/The Guardian)