-- Advertisements --

MOSCOW, Russia – Agad nasawi ang lima katao, habang sugatan naman ang tatlong indibidwal matapos ang pagsabog ng rocket sa isang naval test range sa Nyonoksa.

Mismong ang state nuclear company na Rosatom ang nagkumpirma nito, matapos ang insidente noong Huwebes.

Nangyari umano ito nang magkaaberya ang liquid propellant rocket engine na kanilang ginagamit.

Sa kasalukuyan ay nilalapatan na ng lunas ang matinding sunog na inabot ng tatlong trabahador sa nasabing lugar.

Ang Nyonoksa site na pinangyarihan ng aksidente ay regular na ginagamit sa missile system tests ng Russian navy, kasama na ang sea-launched intercontinental ballistic missiles, cruise missiles at anti-aircraft missiles. (BBC)