-- Advertisements --
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nililinaw ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima sa malagim na banggaan ng isang delivery truck at bus sa Pagbilao, Quezon City.
Ayon kay Col. Audie Madrideo, Quezon police chief, bumangga ang Mitsubishi delivery truck na minamaneho ni Sander Soliveres sa paparating na CUL bus na patungo sana sa Bicol sa isang diversion road section sa Barangay Silangang Malicboy.
Limang katao ang namatay sa nasabing aksidente habang 33 katao naman ang patuloy na ginagamot sa iba’t ibang ospital kasama ang driver ng bus na si Reynaldo Samilo.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nawalan di-umano ng brake ang Mitsubishi truck na naging dahilan nang pagbangga nito sa bus.