-- Advertisements --

Patay ang limang katao habang 23 mga sundalo ng India ang nawawala dahil sa naganap na flash floods.

Naganap ang pagbaha sa Teesta River sa Lachen valley.

Dahil sa nasabing lakas ng ulan ay umapaw ang ilog.

Hindi bababa sa 40 mga sasakyan ang nalubog din sa baha at tatlong tulay din ang bumagsak dahil sa malakas na ulan.

Madalang ang pagbaha sa Sikkim kung saan naniniwala ang mga eksperto na dahil umano sa climate change.