-- Advertisements --

Hindi bababa sa limang katao ang nasawi habang nasa 20 indibidwal naman ang sutagan dahil sa epekto ng dalawang weather system sa bansa.

Nagdadala kasi ng mga pag-ulan ang umiiral na Intertropical Convergence Zone at Shear Line sa ilang bahagi ng Pilipinas na nagdudulot naman ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Batay sa datos ng ahensya, ang mga nasawi ay nagmula sa Regions II, IV-A, IV-B, V, VIII, at XI.

Sa kabuuan, aabot naman sa 436,164 indibidwal o katumbas ng 139,000 na mga pamilya ang apektado ng naturang mga weather system.

Mula sa naturang bilang, aabot sa 549 pamilya katumbas ng 2,366 indibidwal ang kasalukuyang namamalagi sa mga itinalagang 29 na mga evacuation centers sa naturang mga rehiyon na apektado.

Nagdulot rin ang dalawang sama ng panahon ng pagkasira sa ilang infrastructure at power interruption.

Hindi rin madaanan ang nasa 39 kalsada, 6 na tulay dahil sa mga pagbaha at landslide.

Tinatayang aabot sa P215.7 million ang kabuuang pinsala nito habang 698 houses ang partially damaged at 394 na bahay ang tuluyang nasira.

Tiniyak naman ng ahensya na nakahanda silang tumulong anumang oras kung kinakailangan.