NAGA CITY – Patay ang limang katao habang tinatayang nasa 10 iba pa ang sugatan sa salpukan ng isang pampasaherong jeep at truck sa Brgy. Bikal, Libmanan, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay P/SSgt. Emy Rose Organis, sinabi nitong galing sa swimming excursions ang nasabing mga biktima at pauwi na sana sa bayan ng Lupi, Camarines Sur nang mangyari ang aksidente.
Kinain umano ng jeep ang linya ng kasalubong na truck na naging dahilan ng banggaan ng dalawang sasakyan.
Agad namang itinakbo sa ospital ang mga biktima ngunit hindi na naagapan ang buhay ng lima katao kasama ang mismong driver ng jeep.
Sa inisyal na imbestigasyon , ayon kay Lopez, lango sa alak ang driver ng naturang jeep.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridd hinggil sa nasabing pangyayari.