-- Advertisements --

Patay ang limang katao matapos na mabagsakan ng kahon na naglalaman ng mga gamot at pagkain na inihulog ng ilang mga bansa sa Gaza.

Ayon sa Hamas-run health ministry sa Gaza na nasawi ang lima matapos na bigong mabuksan ang parachute ng nasabing kahon.

Hindi naman malinaw kung saang bansa galing ang nasabing mga airdrop.

Magugunitang nagsasagawa na ng pag-air-drop ang mga bansang US, Jordan, Egypt, France, the Netherlands at Belgium sa Gaza para maiwasan ang pagsiksikan ng mga tao.

Una ng itinanggi ng US at Jordan na galing sa kanila ang mga kahon na nakadagan sa mga biktima.