Bumagsak ang isang medical transport plane sa kanluran ng US state ng Nevada, nagresulta naman sa pagkamatay ng limang sakay nito.
Ang eroplano ay umalis sa radar Biyernes ng gabi sa labas ng bayan ng Stagecoach, malapit sa hangganan ng boarder ng Nevada, ayon sa pahayag ng REMSA Health.
“We are heartbroken to report that we have now received confirmation from Central Lyon County Fire Department that none of the five people on board survived,” ayon sa pahayag.
Ang nasabing eroplano ay may sakay na isang nurse, isang paramedic, isang pasyente at kapamilya ng isang pasyente.
Samantala halos 100,000 mga customer sa California ay nawalan ng kuryente Sabado ng gabi, ayon sa Poweroutage.us tracker.
Ang mga major roads ay sarado din habang ang yelo at niyebe ay hindi mapigilan, kabilang ang mga seksyon ng Interstate 5, ang main north-south highway na nag-kokonekta sa Mexico, California, Pacific Northwest at Canada.