-- Advertisements --
Patay ang limang katao matapos ang ginawang airstrike ng Israel sa mga kabahayan sa Nuseirat refugee camp sa central Gaza.
Kabilang sa mga nasawi ay ang mga bata kung saan dinala pa ang mga ito sa Al-Aqsa Martyrs Hospital sa Deir el-Balah subalit hindi na sila umabot ng buhay.
Ayon sa mga residente na dumaan ang Israeli warplanes at nagpaulan ng mga rockets.
Tinarget ng mga ito ang mga kabahayan na karamihan sa mga dito ay wala ng naninirahan pa.
Mula ng magsimula ang giyera noong Oktubre 2023 ay pumalo na sa 44,612 na Palestino ang nasawi at mayroong 105,834 na mga Israeli ang nasugatan.