-- Advertisements --

Nasawi ang limang katao matapos ang banggaan ng pampasaherong bus at isang sports utility vehicle (SUV) sa Majayjay-Lucban Road sa Majayjay, Laguna.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) officer Reyjohn Libato, naganap ang insidente sa Barangay Bakia at Ilayang Banga nitong Linggo ng hapon.

Agad na nasawi umano sa insidente ang konduktor ng bus at tatlong pasahero habang ang isang pasahero ay nadala pa sa pagamutan at kalaunan ay nasawi rin.

Nasa 30 pasahero ang sakay ng bus na dinala ang mga ito sa iba’t-ibang pagamutan sa Laguna.

Inarkila ang bus para maghatid sana sa Kamay ni Hesus sa Lucban, Quezon habang ang SUV ay pauwi na sa Atimonan Quezon ng mangyari ang insidente.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring insidente.