-- Advertisements --
Patay ang limang katao na kabilang sa anti-United Nations protest sa Democratic Republic of Congo.
Binaril umano ng mga UN peacekeepers ang dalawang protesters na nambato at nagsunog sa gusali nila.
Aabot rin sa 50 protesters ang sugatan sa nasabing kaguluhan sa Goma City.
Inilikas naman ang ilang mga UN workers matapos na pagbabatuhin ito ng mga protesters.
Nagsimula ang kilos-protesta noon pang Lunes kung saan pinapalayas nila ang taga UN sa kanilang bansa.
Ilang daang mga protesters ang umatake sa MONUSCO ang United Nations Organization Stabilization Mission.
Napilitang gumamit ng tear gas ang mga kapulisan dahil sa pagiging marahas na ng mga protesters sa lugar.