-- Advertisements --
Nasa limang katao ang patay habang marami ang nawawala sa naganap na landslides sa Uganda.
Nagmula ang insidente sa ilang araw na malakas na pag-ulan sa Bududa district sa silangang bahagi ng Uganda.
Ayon sa Red Cross, hindi bababa sa 50 katao ang pinaniniwalaang nawawala habang 150 mga kabahayan ang nasira dahil sa landslides.
Maraming lugar sa bansa ang sinalanta ng landslide subalit nakatutok sila sa Bududa district na may matinding pinsala.
Matatagpuan ang Bududa district sa border ng Uganda at Kenya na labis na sinasalanta ng landslide.
Noong 2018 umabot sa 41 katao ang patay matapos ang pag-apaw ng ilog.