-- Advertisements --

Patay ang limang katao dahil sa pagbagsak ng hot-air balloon sa Albuquerque, New Mexico.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, bumagsak ang air balloon sa power line sa Central Avenue at Unser Boulevard na nagdulot ng pagkawala ng suplay ng kuryente sa lugar.

Sinabi ni Albuquerque Police Department spokesperson Gilbert Gallegos, nakita nila sa lugar ang apat na patay na biktima habang itinakbo pa ang isa sa pagamutan subalit namatay din kinalaunan.

Kinabibilangan ng tatlong lalaki at dalawang babae ang mga nasawing biktima.

Isang retiradong pulis na si Martin Martinez, 59-anyos ang nasawi at asawa nitong si Mary, 62.

Nakabalik na rin ang suplay ng kuryente sa lugar at iniimbestigahan na rin ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.