-- Advertisements --

Nasa limang katao ang nasawi sa pagtama ng malakas na tornado sa northern Alabama.

Pawang mga taga bayan ng Ohatchee ang mga nasawing biktima kung saan mayroong 1,200 na katao rin ang nasugatan.

Nagdulot din ng maraming pagkakasira ng mga kabahayan.

Ayon sa Calhoun County Emergency Management Agency na nasawi ang mga biktima matapos na matumba ang malaking punong kahoy sa mga bahay ng mga nasawing biktima.

Ilang libong kabahayan rin ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa nasabing malakas na tornado na tumama sa lugar.

Patuloy pa rin ang ginagawang pag-aayos ng mga otoridad sa mga natumbang punong kahoy at mga sinira ng tornado.