-- Advertisements --

Patay ang limang katao sa ginawang pamamaril ng isang sundalo sa Ukraine.

Ayon sa interior ministry ng Ukraine, bigla na lamang namaril ang isang service-member ng National Guard sa military plant.

Pawang mga sundalo at isang trabahador sa ang nasawi sa machine-building factory na matatagpuan sa Dnipro.

Itinakbo rin sa pagamutan ang limang iba pa na nasugatan sa insidente.

Nakakulong na matapos maaresto ang suspek na sundalo habang inaalam pa ng mga otoridad ang motibo nito sa pamamaril.