-- Advertisements --

Patay ang limang katao matapos ang naganap na pamamaril sa France.

Base sa mga otoridad na nagsimula ang nasabing pamamaril sa isang kaguluhan sa isang kainan sa lugar.

Limang katao rin ang nasa kritikal na kalagayan matapos na magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ikinabahala ni Interior Minister Bruno Retailleau ang insidente na lumalalang problema sa iligal na droga sa lugar.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nasabing insidente.