-- Advertisements --

Patay ang limang katao matapos ang pamamaril sa Kashmir, India.

Naganap ang insidente sa Pahalgam na itinuturing bilang isang “Switzerland ng India”.

Pawang mga lokal na turista ang mga nasawing biktima.

Agad na inatasan ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang mga otoridad na tugusin ang mga responsable sa insidente.