Umabot na sa limang katao ang patay sa pananalasa ng hurricane Dorian sa Abaco Islands.
Ito ang kinumpirma ni Bahamian Prime Minister Hurbert Minnis.
Ang hurricane Dorian kasi ang itinuturing na pinakamalakas na bagyo na tumama sa Bahamas na nasa category 5.
Nitong Lunes ng umaga oras sa Pilipinas ay binayo ng Category 5 hurricane ang Grand Bahama Island na nagdulot sa pagkasira ng maraming mga bahay.
Bagamat mabagal ang paggalaw at nasa category 4 na ito ay nagbanta pa rin ang mga forecast experts sa matinding pinsala nito habang tinatahak ang Florida.
Ayon sa National Hurricane Center na may dala pa ring itong lakas ng hangin ng hanggang 145 miles per hour at ito ay mabagal na gumagalaw sa 1mph.
Binalaan din nila ang mga residente ng Georgia at South Carolina ng paghahanda pa rin sa nasabing hurricane Dorian.