-- Advertisements --
SANTIAGO, Chile – Umaabot na sa lima ang kumpirmadong patay sa panununog ng ilang magnanakaw sa garment factory sa sentro ng Chile.
Ginawa ng mga suspek ang pagsunog upang itago ang krimen.
Nabatid na isinabay ito sa magulong kilos protesta ng mga kumukondena sa fare hike na pina-iral sa nasabing lugar.
Kaugnay nito, nagpatupad na ng curfew sa major cities, habang ang magulong mga raliyista ay ginagamitan naman ng tear gas at water cannon.
Pero todo depensa naman si President Sebastián Piñera kaugnay ng marahas na hakbang ng kanilang gobyerno laban sa mga demonstrador. (BBC)