-- Advertisements --
TEGUCIGALPA, Honduras — Patay ang apat na Canadians at isa pang American na piloto nitong araw matapos na bumagsak ang kanilang sinasakyang eroplano sa karagatang bahagi ng Honduran island na Roatan kung saan sila nagbabakasyon.
Ayon sa mga rescuers, bumagsak ang naturang eroplano malapit sa bayan ng Dixon Cove, ilang minuto matapos na mag-take off sa airport ng isla.
Kinilala ng mga otoridad ang mga nasawi na sina Bradley Post, Bailey Sony, Tomy Dubler at ang piloto na si Patrick Forseth.
Samantala, nakaligtas pa ang isa pang Canadian pilot na si Anthony Dubler, subalit kinalaunan ay binawian din ito ng buhay sa Roatan hospital dahil sa mga natamong injuries.
Sa ngayon, inaalam pa rin ang dahilan ng plane crash.