-- Advertisements --

Nasa limang katao ang nasawi na dahil sa rocket sa Baghdad, Iraq.

Target ng nasabing rocket attack ang Bagdhad airport kung saan kinabibilangan ng tatlong batang Iraqi at dalawang babae ang nasawi.

Sugatan din sa nasabing atake ang dalawang bata.

Ang nasabing pag-aatake sa mga US offices sa Iraq ay nagsimula mula ng tanggalin ang nasa 3,000 na sundalong Amerikano sa Iraq.

Isinisi naman ng mga kasundaluhan ng Iraq sa paramilitary faction na mga maliit na hardline group.