-- Advertisements --

5 PDL’s na nagpositibo sa drug test pinagbawalan na makausap ang kanilang pamilya na bumibista sa CRC
Unread post by bomboroxas » Thu Oct 05, 2023 11:55 am

ROXAS CITY – Pinagbawalan ng pamunuan ng Capiz Rehabilitation Center (CRC) ang limang Person’s Deprived of Liberty (PDL’s) na nagpositibo sa drug test na makaharap at makausap ang kanilang pamilya na bumibisita sa jail facility.

Sa interview ng Bombo Radyo kay Mr. Arjuna Yngcong, Provincial Warden ng CRC, sinabi nito na ito ang naging kaparusahan sa limang mga PDL’s hanggang hindi pa nakapagpalabas ng desisyon ang tanggapan kung anong kaso ang isasampa sa kanila.

Ayon pa kay Yngcong, nanindigan ang nasabing mga PDL’s na nakuha di-umano nila ang droga sa kanilang kasamahang preso.

Matandaan na sa Oplan Galugad ng mga pulis sa CRC, narekober ang isang sachet ng shabu, 2 plastic sachet na may shabu residue at drug paraphernalia sa Selda 3 ng nasabing jail facility.

Samantala pinasiguro ni Yngcong na mas pinaigting pa nila ang monitoring para hindi na maulit ang naturang pangyayari.