-- Advertisements --
Umakyat pa sa bilang na lima ang naitalang Phreatic eruption events sa Taal island volcano.
Ayon sa Phivolcs, nairehistro ang mga ito sa pagitan ng alas-7:00 hanggang alas-10:30 ng umaga.
Umaabot sa 900 metro ang taas ng usok at abo na kalaunan ay napadpad sa kanluran-timog-kanlurang direksyon.
Ang magkakasunod na mahinang pagputok ay sinabayan din ng tatlong volcanic earthquakes na na-detect ng mga pasilidad na naka-install sa bulkan.
Maliban dito, mataas din ang Sulfur Dioxide Flux at may upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Taal Lake.
Mayroon ding ground deformation sa may Taal Caldera o sa gawing hilaga at timog silangang bahagi ng Taal Volcano Island.