-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Patay ang limang pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA), habang isa naman ang sugatan matapos ang nangyaring engkwentro sa Barangay Guiom, Cawayan, Masbate.

Maliban pa dito ay narekober rin ng 2nd Infantry Battalion ang anim na matataas na kalibre ng baril.

Ayon kay 903rd Brigade Commander Brig. General Aldwine Almase sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, maliban sa mga binawian ng buhay ay mayroon pang apat na nadakip ang mga otoridad.

Pinaniniwalaang nasa 20 mga NPA ang nakaharap ng sundalo kaya patuloy na tinutugis ang mga kasaman nito.

Ayon sa opisyal, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng 2nd Infantry Battalion matapos makatanggap ng sumbong mula sa mga residente kaugnay ng presensya ng mga rebelde sa lugar.

Siniguro naman ni Almase na hindi titigil ang kanilang hanay sa pagtugis sa natitirang mga miyembro ng mga komunista upang mapanatili ang kapayapaan sa buong rehiyon.