-- Advertisements --

ILOILO CITY – Natutulog na lang sa labas ng dalawang ospital ang limang mga Pilipina na nagpositibo sa COVID-19 matapos palayasin sa kani-kanilang tinitirhan sa Hong Kong.

Ayon kay Bombo International Correspondent Jing Gabiazon, ang isang pinay ay pinalabas ng kanyang employer sa bahay at inutusan na magpunta sa ospital.

Ang iba naman ay hindi na pinayagang makapasok sa kani-kanilang mga boarding house.

Hindi naman sila na-admit sa mga ospital dahil puno na ang mga ito.

Ang tatlong pinay naman ay nasa labas pa ng North Lantau hospital.