Kabilang ang limang Filipino na pasahero ng Singapore Airlines na nakaranas ng matinding turbulence kaya nag-emergency landing sila sa Bangkok, Thailand.
Galing sa London ang eroplano at patungo sa Singapore ng mangyari ang insidente.
Dahil sa pangyayari ay nasawi ang 73-anyos na Briton.
Ang Singapore Airlines flight SQ321 at isang Boeing 777-300ER ay mayroong kabuuang 211 na pasahero at 18 crew na galing sa Heathrow Airport patungo sana sa Changi Airport.
Kinabibilangan ito ng 56 na Australian, 47 mula sa United Kingdom, 41 mula Singapore, 23 mula sa New Zealand, 16 mula sa Malaysia, lima sa Pilipinas, apat mula sa Ireland, apat mula sa US, tatlo mula sa India, tig-dalawa mula Indonesia, Myanmar, Canada at Spain at Tig-isa mula Germany, Iceland, Israel at South Korea.
Sa inisyal na imbestigasyon ay maaring tinamaan ng kidlat ang eroplano sa bahagi ng Myanmar base na rin sa FlightRadar.
Dinala sa pagamutan ang nasa 71 na pasahero kung saan pito sa kanila ang nagtamo ng kritikal na sugat.
Humingi paumanhin ang airline company at tiniyak na kanilang sasagutin ang anumang gastusin at babayaran ang sangkot na mga pasahero.