Ligtas na nakatawid ang 5 Pilipino mula sa West Bank patungo sa Jordan kahapon, Nobiyembre 22 at inaasahang makaakuwi dito sa Pilipinas ngayong araw sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng Israeli forces at militanteng grupong Hamas ayon sa Philippine Embassy sa Jordan.
Ang embahada din ng Pilipinas ang nagbigay ng transportasyon sa 5 Pilipino na kanilang sinundo mula sa kani-kanilang bahay sa West Bank saka dinala sa Allenby border crossing sa panig ng Israel.
Dito, nakipag-kita at tinulungan sila ng Amman PE officers at personnel na tumulong sa kanilang makapasok sa Jordan sa pamamagitan ng pagtawid sa King Hussein bridge crossing.
nakipagkita naman ang mga embahada ng PH sa pamumuno ni Ambassador Jordan Wilfredo Santos kay King Hussein Border Authority head Col. Rafat Al Maietah para talakayin ang posibleng pagtawid pa ng karagdagang mga Pilipino mula sa West Bank kapag bumuti na ang sitwasyon sa lugar.
Matatandaan na una ng dumating sa Pilipinas ang mga Pilipino mula sa West Bank noong Nobiyembre 9.