-- Advertisements --
Kinumpirma ni Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto na limang mga Pinoy na ang nasawi dahil sa coronavirus diseases.
Ang mga namatay ay mula sa kabuuang 119 na mga OFW sa Saudi na nahawa sa deadly virus.
Sinasbing nasa kalahating milyong mga Filipino ang nakabasi sa Saudi Arabia batay sa 2018 survey.
Ayon sa Philippine envoy, kahit papaano raw ay inilibre ng Saudi government ang treatment at hospitalization sa mga pasyente.
Una nang iniulat ng DFA na nasa 1,337 na mga Pinoy worldwide ang nahawa sa COVID-19.
Samantalang nasa 825 naman ang ginagamot at umaabot sa 328 ang nakarekober.
Umakyat naman sa 184 ang mga OFW na pumanaw bunsod ng deadly virus.