BACOLOD CITY – Limang mga platoons ang pinarangalan sa detachment ceremony bng 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army kasabay ng pagpunta ni Armed Forces of the Philippines chief of staff General Cirilito Sobejana sa bayan ng Isabela.
Hindi inanusyo ang pagdating ni Sobejana ngunit sinalubong ito ng mga opisyales ng Isabela sa pamumuno ni Mayor Irene Montilla.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Army Capt. Raymund Jamisal, Civil-Military Operations Officer sang 62nd Infantry Batallion, limang mga platoons ang personal na binigyan ng parangal ni Sobejana dahil sa malaking accomplishment kasunod ng engkwentro sa Sitio Agit, Barangay Trinidad, Guihulngan City noong Marso 23 kung saan sampung mga NPA members ang namatay at dalawa ang naaresto.
Ang engkwentro sa Guihulngan ang isa sa pinakamalaking encounter sa Negros Island dahil maliban sa may mga napatay na miyembro ng komunistang grupo, marami ring high powered firearms ang narekober.
Isa rin itong paraan ng AFP chief upang ipakita ang pagpupuri sa katapangan ng mga sundalo.