-- Advertisements --

Relieved sa kanilang pwesto ang limang police escort na nakatalaga kay San Juan Mayor Francis Zamora.

Ito ang kinumpirma ni NCRPO Director M/Gen. Debold Sinas.

Ayon kay Sinas, epektibo kahapon relieved na sa pwesto ang limang pulis, matapos na lumabag sa health protocol na itinakda ng Baguio City nang tumawid ang mga ito sa Kennon Road noong June 5.

NCRPOPaliwanag ni Sinas, ililipat muna ang limang pulis sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City para sa imbestigasyon.

Magsasanib pwersa ang Regional Internal Affairs Service-NCR at RIAS ng PROCOR para sa gagawing imbestigasyon.

Pinagpapaliwanag na rin ang limang police escort.

Siniguro ni Sinas, hindi niya palalampasin ang ginawang pagbabalewala ng kaniyang mga tauhan sa quarantine protocols, lalo’t nakapailalim pa rin ang bansa sa General Community Quarantine dahil sa banta ng COVID-19.