-- Advertisements --
Patay ang limang preso at 15 iba ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa loob ng kulungan sa Ecuador.
Nagkaroon kasi ng labanan ng magkaaway na grupo sa Guayaquil kung saan nabaril ang abogado ng isang gang.
May ilang personalidad na rin na hawak ang mga otoridad na sinasabing nasa likod ng insidente.
Magugunitang noong Pebrero ay 79 na preso ang nasawi sa patuloy na labanan ng mga gang sa loob ng preso.