-- Advertisements --

DAVAO CITY – Sinibak sa kani-kanilang mga puwesto ang limang mga tauhan ng Lupon Municipal Police Station sa Davao Oriental matapos daw barilin ang umano’y nanlaban na suspek.

Kinilala ang naturang mga police na sila PEMS Dominador Ambes Sarita; PSMS Arnel Baclohan Cantiga; PMSgt. Henry Requiso Loren; PMSgt. Rolly Amarillo Sajulga; at PSSgt. Reynaldo Herbas Tribunalo Jr.

Inihayag ni Police Regional Office (PRO)-11 spokesperson PMaj. Eudisan Gultiano na ang naturang mga pulis ay na-reassign na ngayon sa Regional Personnel Holding and Accounting Section (RPHAS) habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Batay sa report, ibibigay na sana umano ng mga police ang warrant of arrest laban kay Morito Artilahon Lapay, residente ng Purok 10-A, Brgy. Poblacion, Banaybanay, Davao Oriental, pero nanlaban umano ito at pinagbabaril ang mga pulis kung saan tinamaan ng dalawang beses si Sajulga.

Dahil dito, napilitan umano ang mga pulis na gantihan ng putok ang suspect na tinamaan sa binti, at dahil nagreklamo ang pamilya ng suspect kaya tinanggal ang mga ito sa kanilang pwesto.

Samantala, sinampahan rin ng Lupon Municipal Police station ng kasong illegal possession of firearms and ammunition at attempted homicide ang suspect sa office of the Provincial Prosecutor sa Davao Oriental.