-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy na ginagamot sa ospital ang mga sugatang pulis at sibilyan matapos maaksidente ang sinasakyang police patrol sa Sibalom, Antique.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PCpt. Bryan Alamo, hepe ng Culasi Municipal Police Station, sinabi nito na maghahatid sana ng mga dokumento sa Antique Provincial Police Office sa San Jose de Buenavista, Antique ang mga pulis at sibilyan.

Habang binabaybay nila ang daan, mag-o-overtake sana ang police patrol sa isang motorsiklo.

Ngunit nawalan ng kontrol sa manebela ang driver dahilan upang madiskaril ang minamanehong police patrol.

Kabilang sa mga sugatan ang tatlong job order workers at limang pulis kung saan isa ang kritikal.