-- Advertisements --
DoH Usec. Vergeire

Nais ng pamahalaan na tutukan sa isasagawang ikalawang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination drive ang ilang rehiyon sa bansa na may mababang vaccination rate status.

Sinabi ni Department of Health (DoH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, limang rehiyon sa bansa ang kasalukuyang nasa ilalim ng kanilang monitoring.

Kabilang dito ang Region 3 (Central Luzon), Region 4A (Calabarzon), Region 6 (Western Viasayas), Region 7 (Central Visayas) at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Paliwanag ni Vergeire, malalaking rehiyon at malaki ang populasyon ng Region 4A, Region 3 at Region 7 dahilan para mapabilang ang mga ito sa mga bahagi ng bansa na may mababang coverage ng bakunahan.

Aniya, ang mga nabanggit na mga lalawigan ay ang siyang pangunahing tututukan ng DoH sa isasagawang ikalawang ng National Vaccination Drive na gaganapin naman sa Disyembre 15 hanggang 17.

Samantla, umaasa rin si Vergeire na maging maganda ang takbo at resulta ng isasagawang panagalawang bayanihan bakunahan sa bansa tulad na lamang ng kinalabasan noong unang isinagawa ito sa bansa.

Kung maalala isinagawa ang unang Bayanihan, Bakunahan noong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 2.