-- Advertisements --

NDRRMC1

Isinailalim sa red alert ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) limang rehiyon sa Luzon dahil sa banta ngf super typhoon Goring.

Tinukoy ni NDRRMC spokesperson Edgar Posadas ang limang rehiyon na nasa red alert status ay ang mga sumusunod: Cordillera region, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, at Mimaropa.

Sinabi ni Posadas na nasa red alert din sa ngayon ang Konseho na nagpapatupad ng mga heightened preparedness measures habang ang bagyo ay lumakas at naging isang super typhoon habang humahampas sa hilagang Luzon.

Sa ilalim ng red alert, ang emergency operations center (EOC) ng konseho sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, gayundin ang mga lokal na counterpart nito, ay full force physically at virtually.

Ang mga ahensya na miyembro ng NDRRMC nakahandang tumugon at kahandaan sa pagganap ng kanilang misyon at mayruoon sapat na tauhan upang mas mabilis na matugunan ang mga emerhensiya.

Sinabi ni Posadas na kanilang napagdesiyunan na itaas sa red alert ay para mas matututukan ang pag responde partikular ang mga pangangailangan ng mga kababayan nating apektado ng super typhoon Goring.

Sa kabilang dako, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakahanda na ang 10,000 food packs na inihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ipamahagi sa northern Luzon.