Nasa full alert status na ngayon ang limang rehiyon na kabilang sa mga paggaganapan ng events ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson B/Gen. Bernard Banac, epektibo mula alas-8:00 kaninang umaga ang full alert status ng Police Regional Offices sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at National Capital Region habang noong November 20 pa nag full alert ang Southern Luzon.
Tatagal ang full alert status ng PNP sa piling rehiyon hanggang December 14, 2019. Habang nasa heightened alert naman ang iba pang rehiyon sa buong bansa.
Sa darating na Sabado, November 30 ang opening ceremony ng SEA Games. Naka-alerto din ang PNP Highway Patrol Group, Special Action Force at PNP Maritime Group.
Nasa 27,000 police personnel ang ipapakalat ng PNP para sa lahat ng sports venue at billeting areas.
Ang Highway Patrol Group ay magdedeploy ng higit 100 motorcycle-riding cops at mobile units para tumulong para magmando ng trapiko.