LA UNION – Limang reklamo o ulat ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa premature campaigning at vote buying sa nakalipas na Barangay at Sanggunian Kabataan Elections sa buong Region One.
Ito ang kinumpirma ni Atty. Reddy Ceralde Balarbar, Assistant Regional Director ng COMELEC Region 1 at Acting City Election Officer ng Lungsod ng San Fernando, hinggil sa katatapos na barangay elections noong Lunes, Oktubre 30,
Gayunpaman, walang pormal na nagsampa ng reklamo laban sa sinumang lokal na kandidato, kaya ang opisinang ito ay maaari lamang magsilbi bilang isang talaan.
Kabilang sa mga natanggap na reklamo ang dalawang ulat mula sa Pangasinan, isa sa bayan ng Naguilian, at tig-iisa sa mga lalawigan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte.