-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ngayon ng International Weighlifting Federation (IWF) ang limang Russian weightlifter matapos na magpositibo sa pggamit ng pinagbabawal na substance.
Kabilang sa mga iniimbestigahan ng World Anti-Doping Agency ay si Olympic bronze medalist Ruslan Albegov, world champion Tima Turiyeva, European champion Egor Klimonov at double European Champions Oleg Chen at David Bedzhanyan.
Ayon kay IWF president Tamas Ajan, na ang mga nasabing paglabag ay nangyari na noong nakaraang mga taon.
Isa lamang itong paraan para malinisan ang sports na weightlifting.
Magugunitang tuluyang binawalan ang buong weightlifters ng Russia noong 2016 Olympics dahil sa malawakang paggamit ng pinagbabawal na substance.