KORONADAL CITY – Inaalam pa sa ngayon ng mga otoridad kung may kaugnayan ang grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa nangyaring pagsabog ng Improvise Explosive Device sa covered court ng Datu Piang, Maguindanao.
Ito ang inihayag ni Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6th ID, Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Baldomar, ang lugar kung saan nangyari ang pagsabog ay malapit lamang sa pinangyarihan ng mga nakaraang engkwentro ng militar at BIFF.
Ngunit, malalaman umano sa resulta ng post blast investigation kung signature nga ng BIFF ang sumabog na eksplosibo.
Matatandaan na sa lakas ng pagsabog noong Sabado ng hapon ay walo ang nasugatan na mga biktimang kinilalang sina:
- Norodin S Musa, 21
2.Fahad A Tato, 22 - Samsudin D kadtugan, 21
- Benzar Macogay, 24
- Amid B. Miparanun, 19
- Carlo Mobpon, 25
- Tukoy Abo, 13
- Mohamad Wanti, 29
Sa ngayon, tatlo na lamang sa mga ito ang nanatili sa ospital habang nakalabas na ang lima sa kanila at nasa mabuti ng kalagayan.
Patuloy naman na nagpapatupad ng mahigpit na seguridad ang pulisya sa lugar dahil na rin umano sa nakitang presensiya ng mga armado.