ROXAS CITY – Nagpositibo ang lima sa walong Person Deprived of Liberty o PDL’s na isinailalim sa drug test matapos narekober ang apat na sachet ng shabu sa isinagawang Oplan Galugad sa loob ng Capiz Rehabilitation Center (CRC).
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Mr. Arjuna Yngcong jail warden ng nasabing pasilidad, sinabi nito lumabas sa resulta ng drugtest na positibo sa paggamit ng iligal na droga ang lima sa walong inmates na pinaghihinalaang may kinalaman sa pagpuslit ng shabu sa Selda 3 kun saan nakita ito kamakailan lang.
Matandaan na nakuha sa Oplan Galugad ng mga kasapi ng Roxas City PNP at personnel ng CRC ang isang sachet ng shabu at dalawang sachet na may shabu residue ng droga, foil totter at mga lighters.
Patuloy sa ngayon ang imbestigasyon at pansamantalang inilipat sa isolation facility sa loob ng nasabing facilidad ang limang PDL’S na nagpositibo sa iligal na droga.