BUTUAN CITY – Nagpadala na ang Department of Health (DOH)-Caraga ng 5 samples mula sa 12 mga crews ng tug boat Clyde at barge Claudia na nagpositibo sa COVID-19, sa Philippine Genome Center para sa gagawing genome sequencing upang malaman kung anong variant ang dumapo sa kanila.
Sa ekskluksibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, umaasa si city administrator Rey Desiata na sana’y hindi Delta variant ang dumapo sa nasabing mga tripolante lalo na’t mula pa sila sa Indonesia, ang bansang kinikilala ngayong epicenter ng COVID-19 sa Asya dahil sa dami na kanilang mga naitalang Delta variants.
Ayon kay Desiata, 11 katao na ang na-trace nilang nakasalamuha ng 12 mula sa 20 mga tripolante ng barko at barge Claudia na na-isolate na ng taga-Butuan City Health Office upang maabot nila ang incubation period na pitong araw bago sila i-swab test.
Ang labing-isang kanilang na-contact trace ay kinabibilangan ng mga swabbers mula DO Plaza Memorial Medical Center na nakabase sa Agusan del Sur, 3 ka mga ahente kungsaan ang isa ay taga-Butuan City habang ang dalawa at papauwi na sana ng Manila ngunit naharang ilang oras bago ang kanilang flight.